As I was going through my “Pangako Sa ‘Yo” pictures
yesterday, I realized that because of my work as “promo girl”, as I put it, for
the series, marami pala akong events within and even outside of work na
nasamahan ko ang KathNiel. Moments kung saan pinatunayan nila na sila pa rin
ang loveteam to beat to talaga, at nagpatunay kung gaano ka-solid ang kanilang
mga dakilang fans.
In fact, as I post this, “Barcelona: A Love Untold” has
already earned P130 million at the box-office, and now on its 2nd
blockbuster week in cinemas. Kathryn and Daniel, 5 years later, remain major
box-office drawers, and a new chapter begins for them as they successfully
transitioned from teen idols to fine young actors.
Na-witness ko kung gaano pagkaguluhan ang KathNiel kahit
saan magpunta. Ito yung kagulo na, natural, hindi pilit at hindi hakot. Hindi
biro maghakot ng 8,000 fans sa isang mall halimbawa. Talagang may following
sila. Ang mga tilian, makasirang eardrums at kayang-kayang sapawan ang sound
system. Yung mga siksikang talagang magpapalapot at hulas sa ‘yo, paminsan pa
ay literal na uubos ng hininga mo at hihimatayin ka. Hindi ko na mabilang ang
mga kurot, hatak, kalmot at kahit hampas na inaabot ng dalawa. Mayroon pang
matindi na ang ulan sa labas, pero tuloy lang ang fans sa pagsigaw at
paghihintay kahit basing-basa na sila.
Ang maganda naman dun, pinakikita at pinatutunayan ng dalawa
ang kanilang appreciation at pagmamahal sa kanilang mga tagahanga in their own,
little ways. Lagi nilang sinasabi at pinararamdam na pinagaganda nila ang
kanilang mga trabaho para sa mga walang sawang sumusuporta sa kanila. Sa GGV
nga, sinabi nilang kaya ayaw rin nilang maitambal muna sa iba dahil sa mga
fans. Kaya naman ang loyalty ng mga KathNiels, at ng mga solid fans nina Kathryn
at Daniel, ay di naman talaga matatawaran. Block screenings, everyday trending
and million tweets, sugod sa mga mall shows at tapings... At marami pang iba
just to show the world kung gaano sila ka-dakilang mga tagahanga ng Kathniel.
So as an ending to this two-week KathNiel special here on
“Ang Diary Ng Dakilang Fan”, and perhaps a welcome to the new beginning of the
loveteam that has and continuously define a generation, here are pictures ng
mga kilig at masasayang moments ng KathNiel in front of camera and/or on stage which I personally captured, dedicated sa kanilang mga Dakilang Fans. Saludo po sa inyong tatag, katapatan
at pagmamahal para kina Kathryn, Daniel at maging sa mga taong nakakasama nila
sa kanilang araw-araw na buhay, trabaho man o personal na buhay.
Aw i love KathNiel thank u po si france
ReplyDeleteAw i love KathNiel thank u po si france
ReplyDeleteAw sir france. Such a nice heart. Di ko malimutan yung days na binabash ka at may pa death threats ka pa galing sa KNs dahil di sila natuwa sa PSY. Youre truly kind hearted - LQ fan. ❤
ReplyDelete